^

Metro

Bingi todas sa tren

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Posibleng hindi umano narinig ng isang  bingi na di­umano’y may diperensiya sa pag-iisip ang paparating na tren kaya nahagip ang balikat nito habang naglalakad sa tabi ng riles at tuluyang na­sawi ma­tapos makaladkad ng ilang metro sa Sampaloc, Maynila, ini­ulat kahapon.

Ang isang Rolando de Asis, pinsan ng biktima, ang ku­milala sa nasawi na si Jose Obedosa, na tinatayang nasa 40 to 45 ang edad, palaboy at walang perma­nenteng tirahan.

Sa ulat ng Manila Police Dis­­trict-Traffic Bureau, naga­nap ang insidente dakong alas-5 ng hapon, kamakalawa sa Alge­ciras St., Sampaloc, May­nila.

Ayon sa saksing si Ben­jamin Chua, 28,  ang biktima ay una na nilang sinaway dahil sa paglalakad nito sa tabi ng riles ng PNR subalit hindi umano nakikinig sa pagsaway sa kanya.

Nang biglang may papara­ting na tren ay naroon pa ang biktima at mistulang tatawid umano nang mahagip ang kanang balikat nito ng tren kaya nakaladkad at nagka­bali-bali ang buto.

Bagamat may konting di­perensiya ang isip, namu­mulot umano ito ng mga basura na kanyang ibinebenta para may pambili ng maka­kain. Katu­nayan umano nito ay naglakad lamang ito mula sa Bina­ngonan, Rizal pa­tungong Maynila.

vuukle comment

ASIS

AYON

BAGAMAT

BINA

CHUA

JOSE OBEDOSA

MANILA POLICE DIS

MAYNILA

SHY

TRAFFIC BUREAU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with