^

Metro

Medicine coed todas sa 3 holdaper

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Malagim na kamatayan ang naghatid sa bahay sa isang 20-anyos na medical student  mula sa isang group study nang  apat na beses tarakan ng patalim ng tatlong lalaking holda­per na magka­ka-angkas sa isang motor­ siklo makara­ang tumangging ibi­gay nito ang kanyang bag na nag­lalaman ng laptop, cell­phone at iba pang kaga­mitan, habang papauwi sa kanyang bahay, sa  Tondo, Maynila, kahapon ng ma­daling-araw.

Nasawi habang nilala­pa­tan ng lunas sa Tondo Me­dical Center ang bikti­mang si Mary Roxan Mus­ngi, 1st year sa PLM  at resi­dente  ng #253 V. del Fierro St., Ga­galangin, Tondo, Maynila

Sa ulat ni PO3 Jaime Gonzales Jr., ng  MPD-Homi­cide, naganap ang insi­dente dakong alas-3:30 ng ma­daling-araw sa may pa­nulukan ng General Lukban at Juan Luna Sts., sa Tondo, Maynila.

Mag-isa umanong nag­la­lakad papauwi galing sa group study ang biktima nang lapitan ng motorsiklo na may sakay na tatlong lalaki.

Dalawa sa mga suspect ang bumaba at nagdeklara ng holdap na pilit na inaagaw ang mga bitbit na backpack ng biktima subalit nakipag-agawan ito sa mga suspect kaya’t inundayan siya ng mga saksak sa kaliwa’t-kanang bahagi ng dibdib at tiyan bago tinangay ang gamit niya.

Nabatid na naglalaman ng hindi nabatid na halaga ng pera, cellphone, medical books at laptop ang bag ng biktima.

Tumakas sa direksiyon ng Juan Luna papuntang Pritil market sa Tondo, Maynila ang mga suspect.

Nasaksihan umano ng isang Lester Gonzales,17, 1st year college student sa Fatima College at Elton Jay Genove,16, STI student ang ginawa ng mga suspect na tinangka nilang habulin subalit mabilis na napa­harurot ang motor­siklo.

Nagsasagawa ng ma­susing imbestigasyon ang pulisya para sa ma­daling ikadarakip ng mga suspect.

vuukle comment

ELTON JAY GENOVE

FATIMA COLLEGE

FIERRO ST.

GENERAL LUKBAN

JAIME GONZALES JR.

JUAN LUNA

JUAN LUNA STS

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with