^

Metro

Misis inatado ng mister

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay ang isang misis ma­ka­raang ataduhin ng saksak sa buong katawan ng kanyang mister matapos magtalo sa hindi mabatid na kadahilanan sa Quezon City, ayon sa pulisya kahapon.

Si Jerilyn Laplana, 26, office secretary, at residente sa Gold St., Filinvest II Subdivision, Brgy. Batasan Hills sa lungsod ay iniwan na lamang walang buhay na puno ng saksak sa kata­wan ng suspect na si Alvin John Momele na agad na tumakas makaraan ang krimen.

Sa ulat ni PO2 Hermogenes Capili ng Criminal Investigation and Detective Unit ng Quezon City Police, ang biktima at suspect ay matagal ding nagsama bilang mag-asawa at sa hindi mabatid na kadahilanan ay naghiwalay ang mga ito.

Ayon kay Capili, wala umanong makapagsabi kung ano ang pinag-awayan ng dalawa, dahil maging ang ka­anak nito ay walang nalala­mang alitang naganap sa pagitan ng mga ito.

“Ang alam kasi ng mga kaanak ng biktima, ung lalake (suspect) ay nasa probinsya, kaya hindi nila alam kung anong away nila,” sabi pa ni Capili.

Sa pagsisiyasat, nangyari ang insidente sa harap ng Gizon Dental Clinic sa Gate 8 corner San Mateo Road, Brgy Batasan ganap na alas-9:40 ng gabi.

Bago ang krimen, lumabas umano ng kanyang bahay ang biktima para may katagpuin sa labas.Ayon sa isang saksi, napuna niya ang biktima at suspect na nagtatalo sa madilim na bahagi ng nasabing lugar.

Ilang sandali pa, bigla na lamang umanong naglabas ng patalim ang lalake at pinagsa­saksak ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nito. Sa ngayon, patuloy ang pagsi­siyasat ng CIDU sa nasabing insidente.

vuukle comment

ALVIN JOHN MOMELE

AYON

BATASAN HILLS

BRGY BATASAN

CAPILI

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTIVE UNIT

GIZON DENTAL CLINIC

GOLD ST.

HERMOGENES CAPILI

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with