^

Metro

Tauhan ng MMDA binoga sa clearing operation

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Malubhang nasugatan ang isang tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) makaraang mabaril ng isang hindi nakilalang lalaki matapos ang isinagawang clearing operations sa EDSA malapit sa North Avenue station ng Metro Rail Transit sa Quezon City.

Nagtamo ng tama ng bala sa likuran na tumagos sa kaliwang bahagi ng dibdib ang biktimang si Nelson Magan, team leader ng isang pangkat ng Sidewalk Clearing Operations Group (SCOG). Kasalukuyang nakaratay ito sa Capitol Medical Center sa Quezon City.

Kinondena naman ni MMDA Chairman Oscar Inocentes ang naturang karahasan sa kanilang tauhan na ginagampanan lamang ang kanilang trabaho upang mapanatili ang kaayusan sa mga bangketa.  Sa halip umano na matakot, lalo pa nilang paiigtingin ang kanilang kampanya laban sa mga iligal na istruktura na nagmamatigas na manatili sa mga ipinagbabawal na lugar tulad ng mga bangketa na daanan ng tao.

Ipinag-utos naman ni Inocentes sa Office of the Assistant General Manager for Operations (OAGMO) na magbigay ng kaukulang tulong para sa pagpapagamot kay Magan at suporta sa pamilya nito.

Bukod dito, inihayag rin ni Inocentes na bibigyan ng P50,000 cash aid ang mga miyembro ng SCOG na magtatamo ng mga injuries habang nasa linya ng trabaho.

Nabatid na binabantayan nina Magan at ng kaniyang grupo ang EDSA-North Avenue footbridge makaraan na paalisin ang mga nagtitindang illegal vendor dito nang isang lalaki ang lumapit sa kanya at paputukan buhat sa likod gamit ang isang kalibre .9mm na baril dakong alas-7:30 ng gabi noong nakaraang Sabado.

Naniniwala ang MMDA na nasagasaan nila ang operasyon ng isang sindikato na nagbibigay ng proteksyon sa mga side­walk vendors sa lugar.  Kinilala ng ahensya ang isang “Colonel Viloria” na paulit-ulit umanong lumalapit kay Magan upang pa­ya­gan ang mga vendors na makapagtinda sa footbridge kapalit ng suhol na pera na tinanggihan ng biktima.

vuukle comment

CAPITOL MEDICAL CENTER

CHAIRMAN OSCAR INOCENTES

COLONEL VILORIA

INOCENTES

ISANG

MAGAN

METRO RAIL TRANSIT

NORTH AVENUE

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with