2 miyembro ng human trafficking, timbog ng BI

MANILA, Philippines - Dalawang illegal re­cruiters na hinihinalang miyembro ng sindikato ng human trafficking ang nasabat ng mga opera­tiba ng Bureau of Im­migra­tion (BI) sa Ninoy Aquino Inter­na­tional Air­port (NAIA) kasabay ng pagkakaharang sa siyam na hinihinalang “tourist workers”.

Sa ulat ni BI-airport ope­ra­tions division Chief Fer­di­nand Sampol kay Commis­sioner Marcelino Libanan, pa­sakay na sa Cebu Pacific pa­tungong Kuala Lumpur sa NAIA ter­minal 3 ang mga sus­pek nang masabat ang mga ito.

Ang nasabing mga “tourist workers” umano ay nagmula pa sa liblib na lugar sa Cavite, Capiz at Bicol at inamin na magta­trabaho sila sa Kuala Lumpur bilang waiters at waitress at binigyan la­mang sila ng partial fees sa kabu­uang P80,000 kada isa.

Tumanggi naman si Sam­pol na ibigay ang pangalan ng mga hinihi­nalang recruiters at mga biktima nito dahil ang kaso ay  iniimbestigahan  na sa Department of Justice (DOJ). 

Sa ilalim ng Republic Act 9208, sa ilalim ng Inter-Agency Council Against Traf­ficking (IACAT) ay inatasan ang BI na siguruhin ang de­parture at arrival require­ments ng mga pasahero at maipa­tupad ang segu­ridad sa paglaban sa human trafficking.

Base sa record ng BI si­mula 2007 hanggang 2009 uma­abot na sa 18,000 Fili­pinos ang na­sabat sa NAIA at iba pang pangunahing ports sa buong bansa na nag­papang­gap bilang “tourist workers” o OFWs na nag­kukunwaring tu­rista.

Show comments