^

Metro

Purok leader binoga, patay

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang purok leader ng hindi pa nakikilalang suspek habang ang una ay kumakain ng tanghalian kahapon sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Francisco Sarmiento, 46, ng Isaias St., Camarin ng nabanggit na lungsod.

Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang pulisya laban sa hindi pa nakikilalang suspek.

Sa imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-12 ng tanghali habang kumakain ang biktima sa isang karinderya na matatagpuan sa kahabaan ng Genesis St., Cielito Homes, Camarin ng lungsod na ito. Biglang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek sakay ng motorsiklong hindi na nakuha ang plaka. Inaalam na ng mga pulis ang motibo ng nasabing insidente.

vuukle comment

BIGLANG

CALOOCAN CITY

CIELITO HOMES

FRANCISCO SARMIENTO

GENESIS ST.

INAALAM

ISAIAS ST.

MATAPOS

NAGSASAGAWA

PINAGBABARIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with