^

Metro

Holdaper patay sa engkuwentro

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay ang isa sa tatlong holdaper na sumalakay sa isang pampasaherong jeep makaraang makipagpalitan ng putok ng baril sa mga tauhan ng Manila Police Dis­trict (MPD) kahapon ng ma­da­ling-araw sa Tondo, Maynila.

Dead-on-the-spot ang biktimang inilarawan sa edad na 25 hanggang 30, 5’1’’–5’2’’ ang taas, may mga tattoo na “Sputnik gang” at “TBS” o ang nortoryus na grupong “True Brown Style” sanhi ng tina­mong mga tama ng bala ng baril mula sa mga tauhan ni  MPD-Station 7 chief, P/Supt. Remigio Sedanto.

Ang TBS ay sinasabing ang gang na sa kasalukuyan ay may pinakamaraming kina­sasangkutang kaso ng pag­patay sa Maynila sa mga nakalipas na taon at sangkot din sa serye ng holdapan sa lugar.

Nakatakas ang dalawa pang kasamahan ng nasawi sakay ng isang walang pla­kang tricycle.

Sa ulat, naganap ang insi­dente sa panulukan ng Corre­gidor  at J. Abad Santos sts., Tondo, dakong alas-2:50 ng madaling-araw kahapon.

Sa pahayag ni C/Insp. Emery Abating, team lider ng MPD-Station 7, Mobile Unit nag­papatrulya sila sa lugar nang makatanggap ng tawag tungkol sa magkakasunod na panghoholdap sa lugar. Na­mataan naman nila ang mga suspect na ng sitahin ay agad na nagbunot ng baril saka pinaputukan ang mga pulis.

Napilitang gumanti ng putok ang mga pulis kung saan tinamaan ang nasawi habang nakatakas naman ang dalawang kasamahan nito.

vuukle comment

ABAD SANTOS

EMERY ABATING

MANILA POLICE DIS

MAYNILA

MOBILE UNIT

REMIGIO SEDANTO

SHY

TRUE BROWN STYLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with