Kelot na nanita sa umiihi inatado

MANILA, Philippines - Isang mister ng tahanan ang namatay makaraang pagsasaksakin ng isang asal-asong lalaki na nagalit nang sitahin siya ng biktima sa bastos na pag-ihi nito sa tapat ng bahay kamakalawa ng gabi sa Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Namatay habang ginagamot sa President Dios­dado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Romeo Campillo, 50, ng Phase 3F1, Barangay Dagat-dagatan.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa alyas na Don-Don ng Salaysalay st., ng naturang barangay.

Nauna rito, sinita ni Campillo ang suspek na umiihi sa tapat ng kaniyang bahay. Sa halip na humingi ng dispensa, matapang pang nakipagtalo ang salarin.

Dito nagbunot ng dalang patalim ang suspek at sunud-sunod na inundayan ng saksak ang biktima bago mabilis na tumakas.

Show comments