Pro-life nag-rally

MANILA, Philippines - Isang pro-life rally ang idinaos ng mga miyembro ng Simbahang Katoliko, magulang, kabataan, at mga concerned citizen upang ipakita ang kanilang pagtutol sa revitalized condom distribution at contraceptive campaign ng Department of Health kahapon sa Marikina City.

Ang rally ay isinagawa sa pangunguna ng mga religious leaders ng Antipolo Diocese sa Marikina Riverbanks amphitheater.

Tinututulan ng grupo ang condom at contraceptive campaign ng DOH sa moral at medical grounds nito lalo na’t nagpapahina at naka­sisira umano ito sa pamilya at lipunan.

Show comments