^

Metro

Carjacker muling umatake

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Muli na namang uma­take ang kilabot na car­jacker sa lungsod Que­zon matapos na isang negosyante ang nata­ngayan na naman ng sasakyan dito, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Ang insidente ay na­batid matapos na pormal na magreklamo kahapon sa himpilan ng Police Station 10 sa Kamuning ang biktimang si Edgar Cruz, 53, may-asawa ng 13-B, Panay Avenue, V-311 SJB condominium, Barangay South Triangle.

Ayon sa biktima, ang mga suspek ay armado ng baril at sakay ng isang 250 cc motorcycle at tu­mangay ng kanyang model 2008 Mazda 3 na kulay silver (ZRF-461).

Sa pagsisiyasat ni SPO2 Jorge Villanueva, desk officer ng nasabing himpilan, nangyari ang insidente sa may Sct. Tuazon Avenue St. corner Mother Ignacia Ave­nue nitong Miyerkules ng gabi.

Ayon sa biktima, sakay siya ng kanyang sasakyan at tinatahak ang nasabing lugar nang humarang sa kanya ang isang motor­ siklo sakay ang tatlong armadong suspek.

Isa sa mga suspek ang agad na bumaba sa motorsiklo at tinutukan ang biktima saka puwer­sa­hang kinuha sa kanya ang kanyang sasakyan at pinaharurot papatakas patungong Quezon Ave­nue.

vuukle comment

AYON

BARANGAY SOUTH TRIANGLE

EDGAR CRUZ

JORGE VILLANUEVA

MOTHER IGNACIA AVE

PANAY AVENUE

POLICE STATION

QUEZON AVE

SHY

TUAZON AVENUE ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with