^

Metro

2 ginang kinatay ng lasing

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Dalawang ginang ang nasawi habang isa pa ang nasa malubhang kalaga­yan makaraang pagsasak­sa­kin ng lasing na kapatid ng isa sa mga biktima, ka­ma­kalawa ng gabi sa Pasay City.

Kapwa binawian ng buhay sa Villamor Airbase Hospital ang mga bikti­mang sina Belinda Ped­roso, 41, dalaga; at Shiela Ablansar, 45, habang ino­obserbahan naman sa V. Luna Medical Center ang ikatlong biktima na si Jose­phine Valdez, 54, pawang mga naninirahan sa Block 52, 10th-29th street, Brgy. Villa­mor, Pasay City.

Nagtangka namang magpakamatay sa pama­magitan ng pagsaksak sa sarili ang suspek na si Joel Pedroso, kuya ni Belinda, ngunit agad na naawat ito ng mga rumespondeng barangay tanod.  Isinugod naman ito sa Pasay City General Hospital.

Sa ulat ng Pasay po­lice, umuwing lasing kama­kalawa ng gabi ang suspek sa kanilang bahay at nag-umpisang magwala.  Dito naman umalis ang tatlong biktima kung saan nag­tungo sa bahay ni Ma. Luisa Cesante, barangay Ex-Officio, upang humingi ng tulong para papayapain si Pedroso.

Lingid naman sa tatlo, sinundan pala sila ng sus­pek na sumalakay at wa­lang habas na nanaksak ma­karaang makitang nag­sumbong ang mga ito sa opisyal ng barangay. Dito na naawat ng mga tanod ang suspek habang sina­sak­sak ang sarili.

vuukle comment

BELINDA PED

DITO

JOEL PEDROSO

LUISA CESANTE

LUNA MEDICAL CENTER

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

SHIELA ABLANSAR

SHY

VILLAMOR AIRBASE HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with