Ekonomiya ng Quezon City, 'wag isapalaran - Bistek

MANILA, Philippines - Hindi dapat isapalaran ang matatag na ekono­ miya ng Lungsod Quezon sa darating na halalan sa Mayo 10, 2010.

Ito ang ipinunto ni Liberal Party mayoralty bet at pambato ng Serbis­yong Bayan (SB) Team na si QC Vice Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista kaugnay sa isyu ng pa­mumudmod umano ng salapi ng ilang kandidato sa mga botante kapalit ng kanilang sagradong boto.

Batid na ng lahat ‘di lamang sa buong bansa ang kakaibang estilo ng SB Team kaya naging matatag ang ekonomiya ng lungsod.

Sa ilalim ng pamama­hala ng SB Team, ilang beses itong nakatanggap ng pagkilala mula sa iba’t-ibang sektor kabilang na ang ‘Galing Pook Award on Effective Fiscal Ma­nage­ment’ mula sa respe­tadong FORD Foun­dation. Ang alok aniya na salapi ng mga huwad na makabayan na kandidato kapalit ng boto ay panan­dalian lamang ang epekto sa kabuhayan subalit ang tangan ng SB Team ay tuluy-tuloy na kaunlaran.

Ipinagkatiwala ni out­going QC Mayor Sonny Belmonte kay Bautista na pamunuan ang SB Team na responsable sa pagpa­pataas ng antas ng kabu­hayan sa lungsod mula taong 2002 hanggang 2009.

Show comments