^

Metro

Store manager sugatan sa holdap

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Malubhang nasuga­tan ang isang manager ng convenient store ma­ka­ra­ang barilin ng nag-iisang hol­daper kahapon ng umaga sa Quezon City.

Nakilala ang biktima na si Fatima Luciano, 21, da­laga, manager ng 7-11 con­venient Store na mata­tagpuan sa Timog Avenue sa lungsod.

Ang suspect na sakay ng itim na motorsiklo ay mabilis na tumakas ta­ngay ang Lacoste bag na nagla­laman ng bentang P8,500, deposit slip at mga susi ng biktima.

Naganap ang insi­ den­te sa harap ng natu­rang con­venient store sa corner Timog Avenue at Samar St., Brgy. South Triangle ganap na alas-10 ng umaga.

Patungo sana ang bik­tima sa bangko para ideposito ang nasabing salapi na kinita ng tin­da­han nang biglang sumul­pot ang suspect na armado ng hindi ma­batid na kalibre ng baril at tinu­tukan ang bik­tima sabay deklara ng hol­dap subalit nanlaban ang biktima kaya pina­putukan ito ng suspect.

vuukle comment

BRGY

FATIMA LUCIANO

LACOSTE

MALUBHANG

NAGANAP

QUEZON CITY

SAMAR ST.

SHY

SOUTH TRIANGLE

TIMOG AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with