^

Metro

Riding-in-tandem umiskor ulit

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Muli na namang umatake ang kilabot na riding-in-tandem gang sa Quezon City matapos na isang opisyal ng barangay naman ang pinag­babaril ng mga ito sa harap ng barangay hall kama­kalawa.

Si Edgardo Garcia, 62, may-asawa ng no. 7 AIB St., Brgy. Sto Domingo ang latest­ sa naging target ng nasabing grupo sa nasabing lungsod.

Sa ulat ni PO2 Jogene Her­nandez, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente habang nililinis ng biktima ang kanyang sasakyan sa may harap ng brgy. hall ng Brgy. Sto Domingo pasado alas-5 ng hapon.

Ayon sa isang testigo, naglalakad siya sa may Don Manuel St., di kalayuan sa lugar nang makarinig siya ng dalawang malalakas na putok ng baril.

Agad niyang pinuntahan ang pinanggalingan ng putok hanggang sa makita niya ang isang lalake na may bitbit na baril papalayo sa nasabing lugar at sunduin ng isa pang lalakeng may dalang kulay pulang motor­siklo saka nagsi­pagtakas.

Matapos nito, nakita na lamang niya ang biktima na duguang nakahandusay sa semento at wala nang buhay.

Narekober sa lugar ang dala­wang basyo ng kalibre .45 baril at isang deformed slugs nito. Lumilitaw din na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa likurang bahagi ng ulo ang biktima at sa kanang panga na siyang agad na ikinamatay nito.

Sabado ng umaga, isang mister din ang itinumba ng riding-in-tandem malapit sa sementeryo dahil lamang sa simpleng away trapiko.

Matagal nang nama­ma­yagpag ang riding in tandem sa lungsod ngunit hang­gang ngayon ay hindi pa rin nala­lansag ng otoridad ang kilabot na mga grupo.

vuukle comment

AYON

BRGY

DON MANUEL ST.

JOGENE HER

LUMILITAW

MATAGAL

QUEZON CITY

SHY

SI EDGARDO GARCIA

STO DOMINGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with