^

Metro

Aktres naaksidente

-

MANILA, Philippines - Nabugbog ang katawan ng aktres na si Plinky Recto makaraang mabundol ang sinasakyan niyang kotse ng isang dump truck habang tinatahak ang C.P. Garcia St. sa lungsod Quezon kahapon ng hapon.

Ayon kay Police Officer 3 Ricardo Escorpiso, si Recto (Marie Roxanne Recto sa tunay na buhay), 42-anyos, ng 145 Esteban St., Loyola Heights, Quezon City, ay gi­nagamot ngayon sa St. Luke’s Medical Center.

Sa inisyal na ulat ng pu­lisya, nangyari ang insidente sa may C.P. Garcia St. corner UP Bliss sa lungsod pasado ala-1 ng hapon.

Diumano, sakay ng kan­yang Nissan pick-up si Recto at tinatahak ang nasabing lugar nang bundulin ito ng isang Isuzu dump truck na minamaneho ng isang Eddie Galang, 31, may-asawa ng Model Community Porac, Pampanga.

Bago nito, sinasabing galing ang dump truck sa C. P. Garcia patungong Kati­punan Avenue nang umano’y mawalan ito ng preno at sal­pukin ang isang Toyota Innova na minamaneho naman ng isang Ronald Mercado Chua.

Sa bilis ng takbo, matapos salpukin ang sasakyan ni Chua, nagtuluy-tuloy ang truck hanggang sa salpukin din nito ang sasakyan ni Recto.

Sa lakas ng impact, ayon kay Escorpiso, nagpaikut-ikot pa ang sasakyan ni Recto saka muling tumama sa kanang bahagi ng dump truck. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

EDDIE GALANG

ESTEBAN ST.

GARCIA ST.

LOYOLA HEIGHTS

MARIE ROXANNE RECTO

MEDICAL CENTER

MODEL COMMUNITY PORAC

PLINKY RECTO

POLICE OFFICER

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with