^

Metro

Ex-Army binistay ng bala, todas

-

MANILA, Philippines - Hindi nailigtas sa ikalawang pagkakataon ng kanyang agimat ang isang dating miyembro ng Philippine Army makaraang tuluyan itong masawi nang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin, kahapon ng umaga sa Malabon City.

Tadtad ng tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang nakilalang si Roberto Sanchez, 56, retiradong Master Sergeant ng PA at naninirahan sa Flovihomes, Brgy. Tonsuya, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Malabon police, naganap ang krimen dakong alas-9 ng umaga sa may Phase 6 Flovihomes. Nabatid na papauwi na ang biktima nang harangin ng dalawang hindi nakilalang lalaki at sunud-sunod na pagba­barilin. Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek kung saan inaalam na ng mga pulis ang motibo ng nasabing insidente.

Nabatid na noong Sabado ng umaga ay pinagbabaril din ang biktima ng mga hindi rin nakilalang suspek subalit naiwasan ito ni Sanchez dahil sa umano’y taglay nitong agimat na kanyang ipinagmamalaking nagligtas sa kanya.

Kahapon ay hindi na nailigtas ng kanyang agimat ang biktima makaraan siguruhin ng mga suspek ang kamatayan nito. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BRGY

DANILO GARCIA

FLOVIHOMES

KAHAPON

MALABON

MALABON CITY

MASTER SERGEANT

NABATID

PHILIPPINE ARMY

ROBERTO SANCHEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with