^

Metro

Helper dedo sa mag-ama

-

MANILA, Philippines - Dahil umano sa hindi pagsunod sa utos na bu­mili ng droga, isang helper ang pinagtataga at na­patay ng isang mag-ama sa lungsod Quezon, ka­makalawa.

Si Marvin delos San­tos, 35, ng San Gabriel st., Villa España II, Brgy. Ta­talon ay agad na bina­wian ng buhay habang isi­nusugod sa Delos Santos hospital bunga ng tina­mong mga taga sa buong katawan, leeg at ulo.

Pinaghahanap naman ang mag-amang suspect na sina Heman Austerio, alyas Kalbo, at anak na si Mark Austerio, kapwa residente sa Meralco Line sa nasabing barangay.

Ayon sa pahayag ng   biyenang babae ng biktima na nakilalang si Josephine dela Cruz, 55, ang pag­tanggi umano ng biktima sa utos ng mag-ama na bumili ng droga ang ugat upang ito ay paslangin.

Nangyari ang insidente sa nasabing lugar pasado alas-6 ng gabi.

Ayon kay Aling Jose­phine, nakatayo siya sa harap ng kanyang bahay nang matanaw niya mula dito ang mag-ama na hina­habol ang biktima at ar­mado ng jungle bolo. Nang abutan ng mag-ama ang biktima ay saka walang habas na pinag­tataga ito hanggang sa sumirit ang dugo sa ka­tawan nito.

Agad na tumakas ang mag-ama matapos ang pananaga habang ang biktima ay isinugod naman ng asawang si Sherly sa nasabing ospital ngunit hindi na umabot pang buhay.

Patuloy ang isina­saga­wang follow up operation ng awtoridad sa na­sabing insidente. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ALING JOSE

AYON

DELOS SANTOS

HEMAN AUSTERIO

MARK AUSTERIO

MERALCO LINE

RICKY TULIPAT

SAN GABRIEL

SHY

SI MARVIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with