^

Metro

Killer ng jueteng witness, sapol sa camera

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Malaki ang pag-asa nga­yon ng Task Force Mayor na agad na makikilala ang mga suspects na pumaslang sa jueteng witness na si Wilfredo “Boy” Mayor makaraang ma­sapol ng footage ng CCTV camera ang mga ito habang isinasagawa ang krimen sa MIA Road sa Pasay City noong Linggo ng madaling- araw.

Sinabi ni TF Mayor head at Pasay police chief, Sr. Supt. Raul Petrasanta na umabot sa 15-segundo ang naturang footage na nakuha nila sa mga CCTV camera. Inaasa­han umano nila na kapag na­ipaayos na ito sa mga dalub­hasa at malinawan ang reso­lusyon ay makikilala na nila ang hitsura ng mga salarin.

Sa naturang kuha, naha­gip ng camera ang mga sus­pek habang sinusundan ang kotse ni Mayor bago dumating sa kanto ng Chapel Road at MIA Road sa tapat ng Our Lady of Airways.              

Idinugtong pa ni Petra­santa na dalawa na ang ha­wak nilang testigo na maka­ ka­kilala sa mga salarin sa oras na muli nilang makita ang mga ito dahil wala umanong suot na helmet ang gunmen nang isagawa ang pananambang.

Sa nakalap pang impor­masyon ng pulisya, isa umanong kontraktor ang bi­nabanggit ni Mayor kay Lingayen-Dagupan Bishop Oscar Cruz na kabilang sa ma-impluwensiya at ma­laking kontraktor sa Bicol Region na nakakakopo sa mga proyekto ng Department of Public Works and High­ways (DPWH) sa maano­mal­­yang paraan.

Ang kontraktor na ito sana ang isa sa babanggitin ni Mayor sa isasagawa niyang pag­bubunyag sa malaking ano­malyang nagaganap sa mga proyekto ng pamahalaan sa Bicol Region bago siya napas­lang noong Linggo ng ma­daling-araw.

Kaugnay nito’y humingi na rin ng permiso ang Pasay City Police kay Philippine Amuse­ment and Gaming Corpora­tion (PAGCOR) chairman Efraim Genuino na makakuha ng kopya ng kuha ng kanilang CCTV camera sa City State Tower Hotel Casino sa pana­hong nasa loob ng naturang casino si Mayor.

Kahapon ay lumipad na rin patungong Bicol ang tatlong imbestigador ng Pasay City Police upang kumalap pa ng mga ebidensiya na tutukoy sa tunay na motibo ng pama­mas­lang sa tinaguriang jue­teng whistle blower na nag­sangkot sa Unang Ginoo, Jose Miguel Arroyo, kapatid na si Iggy at anak na si Rep. Mikey sa jueteng.

vuukle comment

BICOL REGION

CHAPEL ROAD

CITY STATE TOWER HOTEL CASINO

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGH

EFRAIM GENUINO

GAMING CORPORA

PASAY CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with