^

Metro

Task Force Mayor binuo

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nagbuo na ng Task Force Mayor ang Southern Police District (SPD) upang tumu­tok sa imbestigasyon sa pama­maslang kay jue­teng whistle blower Wil­fredo “Boy” Mayor na tinam­ba­ngan kamaka­lawa sa Pasay City.

Inatasan ni SPD Director Chief Supt. Jaime Ca­lung­sod si Pasay police chief, Sr. Supt. Raul Petra­santa na pamu­nuan ang 10-man task force. Sinabi ni Petrasanta na una nilang hihilingin na makuha ang video footage ng CCTV camera ng City State Tower Hotel and Casino sa kanto ng A. Mabini at Padre Faura sa Ermita, Maynila na pinanggali­ngan ni Mayor sa pag-asang ma­kakakuha ng lead sa im­bestigasyon.

Posible umano na sa casino pa lamang ay sinu­su­baybayan na ng mga sa­la­rin ang galaw nito at maging ang pagsakay sa kotseng Volvo dahil sa alam ng mga ito kung saan ito eksakto nakapu­westo sa kabila na heavily tinted ang sasakyan.

Nakatakda ring imbita­han   ng Task Force ang isa pang jueteng witness na si Sandra Cam at maging si Archbi­shop Oscar Cruz upang kunan ng kanilang pahayag.

Ipinagtanggol naman nito ang sarili sa sinasabing ka­walan ng seguridad sa ka­bila ng ipinapatupad na gun ban. Sinabi nito na nag­sasagawa naman uma­no sila ng check­point ngu­nit nang maganap ang krimen ay katatapos la­mang nila kaya nakalusot ang apat na suspek.

Samantala, bukod na­man sa pagbubunyag ng na­ sawi na pagtanggap umano ng Unang Ginoo at ng iba pang opisyal ng pa­ma­­halaan sa jueteng, tini­ting­nan ding anggulo ng pu­lisya ang pagiging con­tractor nito sa mga proyek­tong impras­truktura sa pama­halaan.

Idinagdag ni Petrasanta na magpapadala siya ng imbes­tigador sa Daraga, Albay upang alamin kung anu-anong mga proyekto ang pinasok nito, kung sino ang mga nakausap at kung may nakabitin na proyekto at pagkakautang.

vuukle comment

CITY STATE TOWER HOTEL AND CASINO

DIRECTOR CHIEF SUPT

JAIME CA

OSCAR CRUZ

PADRE FAURA

PASAY CITY

PETRASANTA

RAUL PETRA

SANDRA CAM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with