Iniwan ng bebot, nagbigti
MANILA, Philippines - Dahil hindi umano matanggap na iwan ng kinakasama, isang 30 anyos na binata ang nagpasyang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa Barangay Bagbag, Quezon City kamakalawa.
Si Aldo Queremit ng 17 Urbano St., Barangay Bagbag ay natagpuan na lamang nakabitin sa kisame ng kanyang tinutuluyan gamit ang isang lubid pasado alas-6:00 ng gabi.
Ayon kay PO3 Rodel Tumangday, may-hawak ng kaso, base sa pahayag ni Benjamin Zeta, pinsan ng biktima, ang huli ay dati nang ipinagamot sa National Center for Mental Health dahil sa pagkakaroon nito ng sakit sa pag-iisip noong Agosto ng nakaraang taon.
Sinasabing iniwan ang biktima ng kanyang live-in partner matapos na maging kakaiba ang ugali nito tulad ng pagwawala. Ito rin ang pinaniniwalaang ugat upang magpasya itong magpakamatay. (Ricky Tulipat)
- Latest
- Trending