^

Metro

2 dedo sa barilan

-

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang nasawi habang isang dating barangay chairman ang nasa kritikal na kundisyon sa tatlong insidente ng pamamaril sa Navotas at Malabon City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Ernesto Ompad, 50 anyos, ng Interior, North Bay Boulevard North, Navotas; at Enrique Manalo, 44 ng Hito st., Longos, Malabon.

Nanananghalian si Ompad dakong ala-1:50 ng hapon sa tapat ng kanilang tindahan nang lumapit ang isa sa dalawang suspek at agad na paputukan ang biktima ng dalawang beses sa ulo.

Dakong alas-8:30 kamakalawa ng gabi naman nang barilin si Manalo ng hindi nakilalang suspek habang umiihi ito sa likod ng isang bahay sa Governor Pascual Avenue sa Brgy. Catmon, Malabon. Agad na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.

Samantala, patuloy na inoobserbahan ng mga mang­gagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Roman­cito Santos, alyas Kapitan Bunso, 54-anyos, dating chairman ng Barangay Concepcion, Malabon.

Nakikipag-inuman si Santos dakong alas-10:00 kama­kalawa ng gabi sa mga kaibigan sa Joseph Estrada Housing­ Project sa Reyes Street, Brgy. Baritan nang sumulpot ang hindi rin nakilalang salarin at agad na pagbabarilin ang bik­tima. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BARANGAY CONCEPCION

BRGY

DANILO GARCIA

ENRIQUE MANALO

ERNESTO OMPAD

GOVERNOR PASCUAL AVENUE

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

JOSEPH ESTRADA HOUSING

KAPITAN BUNSO

MALABON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with