^

Metro

Negosyante binoga sa mukha

-

MANILA, Philippines - Isang 47-anyos na ne­gosyante ang binaril sa mukha na ikinasawi nito matapos tumangging ibigay ang bag sa tatlong arma­dong holdaper sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Namatay habang gina­gamot sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Rosalyn Tiongson, 47, resi­dente ng G. Velasquez St., Tondo, Maynila, dahil sa tinamong isang tama ng bala sa mukha.

Sa ulat ni Det. Rommel Del Rosario ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng umaga, sa tapat ng bodega sa 1112 Juan Luna corner Morga St., Tondo, Maynila.

Nabatid na nagtungo ang biktima kasama ang ilang tauhan sa kaniyang bodega upang gisingin at sunduin ang isa pang helper nito, subalit nang pababa pa lamang sa sinakyang pedi­cab, dalawa sa 3 suspek ang lumapit sa biktima at tinu­tukan agad ito ng baril sa mukha at nagdeklara ng holdap.

Pumalag ang biktima at hindi nito ibinigay ang dalang bag hanggang sa putukan siya ng malapitan sa mukha ng isa sa mga suspek.

Mabilis na sumakay ang dalawang suspek sa nag-aabang na motorsiklong walang plaka, na minama­neho ng ikatlong suspek habang ang biktima ay dinala ng mga tauhan niya sa pagamutan, na makali­pas ang ilang oras ay nama­tay din. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

JUAN LUNA

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARY JOHNSTON HOSPITAL

MAYNILA

MORGA ST.

ROMMEL DEL ROSARIO

ROSALYN TIONGSON

SHY

VELASQUEZ ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with