^

Metro

Gang rape victim tinodas

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang 25-anyos na dalaga na umano’y may kapansanan sa pag-iisip at hinihina­lang biktima ng gang rape ang natagpu­ang bangkay at may mga tama ng saksak sa dibdib sa isang ma­damong lugar sa Brgy. North Fairview, Que­zon City.

Ayon sa ulat ng pu­lisya kahapon, may busal ng tuyong dahon ng saging ang bibig ng babae, nakalilis ang blusa, at nakasuot ng short pants ngunit punit ang panty nang matag­puan ang bang­kay ng biktimang na­kilalang si Marygrace Artuz ng 105-J2J, Zeveral Satore St., Barangay Poblacion I-B, Imus, Cavite.

Natagpuan ang bang­kay ng biktima sa isang liblib na lugar sa Bronzon St., Block 45, Lot 7, Fair­mont Park Subdivision, North Fair­view bandang tang­hali.

Ayon kay Conciano Gojo, desk officer ng na­sabing barangay, natu­koy ang pagkaka­ki­lanlan ng biktima sa pama­magitan ng kan­yang mga kaanak na naninirahan sa may Baker St., sa nasabing lugar.

Ang biktima na uma­no’y may kapan­sa­­nan sa pag-iisip ay sina­sa­bing pinahi­ra­pan ng mga salarin dahil bukod sa dala­wang tama ng saksak sa dibdib, sinakal pa ito gamit ang panaling straw.

Pinalalagay din ng pulisya na maaring ang paglagay ng busal sa bibig ng biktima ay upang hindi marinig ang sigaw nito habang inaabuso ng mga sa­larin.

Bukod dito, nanini­wala din ang awtoridad na tatlo hanggang apat na kalalakihan ang gu­mawa ng karahasan sa biktima.

Ayon pa sa ba­rangay, posibleng ina­bangan sa pag-uwi ang biktima ng mga salarin saka dinala sa nasabing lugar at doon sinimulan ang pang-aabuso at pag­patay dahil malayo ito sa kalsada at liblib pa.

Sa ulat, natagpuan ang biktima ng apat na kababaihang namu­mulot ng kahoy na panggatong sa na­sabing lugar.

vuukle comment

AYON

BAKER ST.

BARANGAY POBLACION I-B

BIKTIMA

BRONZON ST.

CONCIANO GOJO

MARYGRACE ARTUZ

NORTH FAIR

NORTH FAIRVIEW

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with