^

Metro

Totoy nilamon ng gilingan ng basura

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Lasug-lasog ang mga buto, nahumpak ang tiyan at sumuka ng dugo ang isang 14-anyos na basurero nang lamunin siya ng waste compactor machine o nagpipipi ng basura nang aksiden­teng mapindot niya ang buton na nagpa­pa­ikot dito, habang naglalaro sa taas ng dump truck, sa loob ng Pileco Compound, Pier 18, North Harbor, Ton­do, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ang bikti­mang si Robin Baya­borda, out-of-school youth at nani­nirahan sa dumpsite area ng Pier 18, North Harbor, Road 10 Tondo.

Sumuko naman ang drayber ng Leonel Waste Management, na si Flo­rencio Mon­santo, 58, may-asawa at residente ng Block 75, Lot 7, Purok Kawal Dagat-Dagatan, Calo­ocan City.

Sa ulat ni Det. Gerry Amores ng Manila Police District-Homicide Sec­tion, dakong alas- 7:50 ng umaga nang maga­nap ang insi­dente sa loob ng na­sabing compound.

Nabatid na ang bik­tima ay isa sa sca­vengers na kakilala umano ng driver kaya pinayagan itong mag-hitch sa truck upang makakuha ng mapapa­ki­nabangang basura.

Nang mapuno na umano ang sako ng bik­tima ay naisipan pa muli nitong umakyat sa truck at pinakialaman ang pindu­tan sa likod ng truck na nag­pagana sa com­pact machine hanggang sa mapa­sama ito sa mga ba­sura mula conveyor pa­­tungo sa mismong pitpitan.

Nakita ng testigong si John Christian Co­ronel, 11, ang nangyari sa bik­tima kasabay nang pag­sa­sabing bu­mulwak umano ang dugo mula sa bibig ng biktima matapos si­yang mapasok sa makina.

Nabatid na ang driver umano ay wa­lang kontrol sa pindu­tan dahil nasa baha­ging likuran ang button kaya hindi niya na­malayan.

Nakahanda na­mang sagutin ng Leo­nel Waste Management umano ang gas­tusin habang kasong reckless imprudence re­sulting in homicide ang naisampa laban sa sus­pek na driver ng truck.

vuukle comment

GERRY AMORES

JOHN CHRISTIAN CO

LEONEL WASTE MANAGEMENT

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SEC

NABATID

NORTH HARBOR

PILECO COMPOUND

PUROK KAWAL DAGAT-DAGATAN

ROBIN BAYA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with