^

Metro

Steel gate sinalpok, binata todas

-

MANILA, Philippines - Patay ang isang 24- anyos na binata makaraang araruhin ng sinasakyan nito ang isang kongkretong pader, at steel gate ng isang tahanan maging ang isang sasakyan dito sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Dahil sa tinamong mga sugat, agad na nasawi ang bikti­mang si Redmond Papasia, ng   Magnolia St., sa lungsod.

Nawasak naman ang concrete wall, steel gate, ng isang bahay na matatagpuan sa Sct. Reyes St., Roxas, gayun­din ang isang Daewoo Espero (UHM-322) dito matapos ma­bundol ng Honda Civic (TLX-449) ng biktima.

Ang bahay ay nirepresent ng isang Jeffrey John de Leon, ayon kay PO3 Perlito Datu, may-hawak ng kaso.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente pasado alas-2 ng ma­daling-araw sa may harap ng nasabing tahanan.

Bago ito, sinasabing mina­ma­neho ng biktima ang kan­yang Honda Civic at tinahak ang Sct. Reyes patungong Sct. Chuatoco St., hanggang Mag­nolia St., kung saan pagsapit sa panulukan ng Hyacinth St.,  Brgy. Roxas ay biglang nawalan ito ng giya at aksidenteng su­malpok sa kongkretong pader at steel gate ng nasabing bahay.

Dahil mabilis ang takbo, dire-diretso pa ang sasakyan ng biktima papaloob ng bahay hanggang sa sumalpok muli ito sa nakaparadang sasakyan dito.

Ayon kay Datu, sa matinding pagkakabundol nagtamo ng malalang tama sa ulo at kata­wan ang biktima na siyang ugat upang agad itong masawi. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

AYON

CHUATOCO ST.

DAEWOO ESPERO

DAHIL

HONDA CIVIC

HYACINTH ST.

ISANG

JEFFREY JOHN

MAGNOLIA ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with