^

Metro

Bagong laya itinumba

-

MANILA, Philippines - Hindi pa man nag-iinit sa pag-uwi sa kaniyang tahanan ang 27-anyos na lalaking bagong laya, tinodas na ito ng di-nakilalang grupo ng kalala­kihan gamit ang isang improvised shotgun kamakalawa ng gabi, sa Tondo, Maynila.

Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang biktimang si Joseph Meneses, binata, miyembro ng Sigue-sigue Sputnik gang at nani­nirahan sa Perla St., Tondo, Maynila sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa tiyan.

Wala pang matukoy sa pagkilanlan ng mga suspek ang pulisya.

Nabatid sa ulat, dakong alas-10:15 ng gabi ng ma­ganap ang insidente sa Plaza Morga, Tondo, Maynila.

Nakaupo umano ang bik­tima sa concrete bench sa Plaza Morga nang lapitan ng grupo ng mga suspek at sabay baril ng shotgun sa una. Mabilis na nagsitakas ang mga suspect nang ma­kitang humandusay ang target.

Nabatid na kalalaya lamang noong Disyembre 16, 2009 ng biktima mula sa Manila City Jail sa kasong robbery-holdup na naibasura dahil sa kabiguan ng mga complainant na sumipot sa hearing. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

DISYEMBRE

JOSEPH MENESES

LUDY BERMUDO

MABILIS

MANILA CITY JAIL

MAYNILA

NABATID

NAKAUPO

PERLA ST.

PLAZA MORGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with