^

Metro

Binatilyo patay, 3 pa sugatan: Prusisyon ng Black Nazarene naging madugo

-

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 17-anyos na binatilyo habang tatlo pa ang nasugatan ha­bang ipinupru­sisyon ang replica ng Black Nazarene sa Tondo, May­nila, kamaka­lawa ng gabi.

Namatay habang gina­gamot sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Kevin Solomon, ng 118 Sta Fe St., Sambayanan sa Rawis Bldg., 1 Unit 309 Tondo bunga ng tama ng bala sa likod.

Nilalapatan din ng lunas sa nasabing ospital si Jaysan Mendoza, 24, estud­yante, ng 1542 Interior 1 Panday Pira Extn., Tondo, Maynila, habang ang da­lawa pa umanong sugatan ay isinugod sa hindi nabatid na ospital matapos tamaan ng ligaw na bala na tuma­gos mula sa katawan ni Solomon.

Hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan sa suspek na armado ng improvised shotgun na tumakas matapos ang pamamaril.

Ayon sa pulisya, dakong alas- 8:00 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa kanto ng Panday Pira at Lacson Sts., Tondo.

Nabatid na ang mga bik­tima ay kasama sa pru­sisyun nang sumulpot ang armadong suspek at walang sabi-sabing binaril si Solo­mon sa likod na tumagos sa dibdib nito.

Dahil sa paglagos ng bala sa dibdib ni Solomon ay nadamay ang tatlong bik­tima ng tumagos na bala. 

Blanko pa ang pulisya kung ano ang posiblentg motibo sa isinagawang pa­ ma­maril. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

BLACK NAZARENE

JAYSAN MENDOZA

KEVIN SOLOMON

LACSON STS

LUDY BERMUDO

MARY JOHNSTON HOSPITAL

PANDAY PIRA

PANDAY PIRA EXTN

RAWIS BLDG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with