^

Metro

4-anyos patay sa water tanker

-

MANILA, Philippines - Patay ang isang 4-anyos na batang babae matapos mahagip ng water tanker habang ang una ay naglalaro sa gilid ng kalsada sa Valenzuela City kahapon.

Nakilala ang nasawi na si Aramae Josue ng Candido St., Brgy. Mapulang Lupa ng nabanggit na lungsod dahil sa matinding pinsala na tinamo nito sa ulo at katawan. Agad namang sumuko si Joel Manero, 37 at kalugar ng biktima.

Sa report ng pulisya, alas-11 ng umaga, naglalaro ang biktima sa Candido st., nang mahagip ito ng Isuzu Elf, na isang water tanker, (TEG-179) na minamaneho ni Manero. Tumilapon ng ilang metro ang biktima na naging dahilan upang dalhin sa pagamutan pero hindi na rin pinalad na maisalba ang buhay, habang sumuko naman si Manero. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ARAMAE JOSUE

BRGY

CANDIDO

CANDIDO ST.

ISUZU ELF

JOEL MANERO

LORDETH BONILLA

MANERO

MAPULANG LUPA

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with