Criminology student, 3 pa timbog sa holdap

MANILA, Philippines - Isang criminology stu­dent ang nakabilang sa apat na inaresto ng mga awtoridad dahil sa pang­hoholdap sa isang pam­pa­saherong dyip , sa Sta. Mesa, Manila kaha­pon ng madaling-araw.

Nakapiit na sa Manila Police District-Station 8 ang suspek na sina Leo­nel Cata, 26; Artkrite La­gasca, 20, binata, cri­mi­no­logy student; Ronnel Roncen Valles, 23; at Jefferson Llena 25.

Iniimbestigahan din ang dalawang security guard na sina Rodolfo Makiling, 25, at Norodon Abdul, 23; na idinadawit ng mga suspect.

Naganap ang insi­dente dakong alas-12:20 ng madaling-araw sa loob ng isang pampasa­he­rong jeepney habang bina­bagtas ang kaha­baan ng Ramon Magsay­say Blvd., sa kanto ng V. Mapa St., Sta. Mesa.

Sakay din umano sa jeep ang mga suspect na nagkunwaring pasahero at pagsapit sa lugar ay nag­­deklara ng holdap. Ki­nulimbat ng mga ito ang pera at mga gamit ng mga pa­sahero bago nag­si­baba. Agad namang na­ka­­hingi ng tulong ang mga biktima kaya na­aresto din agad ang mga suspek.

Sa himpilan ng pu­lisya, isinigaw ng mga suspek ang dalawang security guard dahil ang mga ninakaw nilang gamit at cellphone ay ibi­nato umano nila sa sa­sakyan na nakaparada sa tapat ng binaban­ta­yang esta­blis­ye­mento ng dalawa. (Ludy Ber­mudo) 

Show comments