^

Metro

Coed todas sa stray bullet

-

MANILA, Philippines - Naputol ang masayang kuwentuhan ng magkaka­mag-anak nang lumanding sa ulo ng isang 3rd year college student ng Univer­sity of Manila ang bala mula sa hindi natukoy na gunman, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Namatay habang gina­ga­mot sa Mary Jhonston Hospital ang biktimang kinilalang si Jessa Cando, 19, residente ng #188 P. Al­fonso St., Balut, Tondo. Nabatid na idineklarang patay ang biktima dakong alas-12:05 ng madaling araw (Huwebes).

Malubha ring nasuga­tan dahil sa tatlong bala na tinamo sa likod ang isa pang biktimang si Jorge Aguilar, 24, binata, resi­dente ng #2525 P. Pinoy St., Balut, Tondo na kasa­lukuyang inoobserba­han sa University of Sto. Tomas Hospital (UST).

Sa ulat ni Det. Rommel del Rosario ng MPD Homi­cide naganap ang insi­dente dakong alas-9 ng gabi, sa harapan ng bahay sa #185 P. Alfonso St., ma­lapit sa panulukan ng Pinoy St., Balut, Tondo.

Hinihinalang target lamang ng di pa nakilalang namaril si Aguilar.

Bago ang insidente, and dalaga ay nakikipag­kuwentuhan sa mga ka­anak. Maya-maya ay nag­ka­roon ng komosyon sa da­lawang grupo ng mga kala­lakihan sa Pinoy at Alfonso Sts., hanggang sa isa sa mga lalaki diumano ang nagpaulan ng putok ng baril sa direksiyon ni Agui­lar at aksidenteng nata­maan sa ulo si Cando habang 3 bala ang suma­pol kay Aguilar.

Patuloy naman ang isinasagawang imbesti­gasyon sa kaso para ma­tukoy ang salarin. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

AGUILAR

ALFONSO ST.

ALFONSO STS

JESSA CANDO

JORGE AGUILAR

LUDY BERMUDO

MARY JHONSTON HOSPITAL

PINOY ST.

SHY

TOMAS HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with