^

Metro

Art painter binurdahan ng saksak

-

MANILA, Philippines - Binurdahan ng sak­sak sa katawan ang isang 39-anyos na art painter ng hindi pa naki­kilalang salarin habang natutulog ang una kama­kalawa ng hapon sa Tondo, Maynila.

Tatlong saksak sa leeg at 13 sa likod ang ti­namo ng biktimang si George Bagtas, ng Lilac corner Bonifacio St., Vitas, Tondo, nang ma­tag­puan ng kaniyang ina.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:00 ng hapon nang madisku­breng patay na ang bik­tima ng kanyang ina na si Pacencia Bagtas sa loob ng kanilang bahay.

Nauna dito, dakong 11:00 noong Lunes ng gabi ay nag-inuman ang biktima at kaibigan nitong si Kenneth Magcasi, 17, binata at kapitbahay nito.

Natapos ang kanilang inuman dakong ala-1:00 ng madaling-araw at iniwan na lamang ni Mag­casi ang biktima hang­gang sa nakatulog ito.

Dakong alas-5:00 ng hapon nang dumating naman si Aling Pacencia kung saan nadiskubre na wala ng buhay ang anak.

Bukod sa tinamong mga saksak, nawawala rin ang Nokia N70 na cell­phone ng biktima. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ALING PACENCIA

BINURDAHAN

BONIFACIO ST.

BUKOD

DAKONG

GEORGE BAGTAS

KENNETH MAGCASI

LUDY BERMUDO

PACENCIA BAGTAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with