^

Holdaper dedo sa parak

() - November 12, 2009 - 12:00am

MANILA, Philippines - Patay ang isang kilabot na holdaper makaraang makipag­ba­­rilan sa isang bagitong pulis na nanita sa kanya, kamaka­lawa ng gabi sa Pasay City.

Dadalhin pa sana sa paga­mutan ni PO1 Edmar Echate, nakatalaga sa Police Commu­nity Precinct (PCP) 8 ng Pasay Police si Harvey Flores, 33, ng   Alvarez St., subalit nagdatingan na ang mga galit na galit na kalalakihang barkada nito kaya agad na lamang dumiretso ng kanyang presinto dala ang baril ng nasawi ang una.

Sa ulat ng Pasay police, nasa loob umano ng kanyang bahay sa 2180 P. Dandan St., Tramo si Echate dakong alas-8:30 ng gabi nang magsum­bong sa kanya ang isang im­pormante na nasa kanilang lugar si Flores na may bitbit na baril at tila may hinahanap.

Dahil kilala umanong holda­per sa kanilang lugar si Flores, agad na rumesponde si Echate at maingat na sinita ito. Agad namang nagtatakbo ang sus­pek nang papalapit ang pulis kung saan nagkaroon ng ha­bulan. Sinabi ni Echate na bu­mu­not ng baril si Flores at dala­wang beses siyang pinaputu­kan. Masuwerte itong hindi tina­maan at gumanti ng putok kung saan nasapol ang suspek sa likod na tumagos sa kanyang dibdib.

Napag-alaman sa rekord ng Criminal Records and Identifi­cation Section ng Pasay police na naharap na sa iba’t ibang uri ng kaso ng panghoholdap, pag­nanakaw, illegal possesion of firearms, physical injuries at alarm and scandal sa iba’t ibang korte sa Pasay City ang nasawi. (Danilo Garcia)

ALVAREZ ST. CRIMINAL RECORDS AND IDENTIFI DANDAN ST. DANILO GARCIA ECHATE EDMAR ECHATE HARVEY FLORES PASAY PASAY CITY SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with