^

Metro

Ama tinodas ng bisita sa b-day ng anak

-

MANILA, Philippines - Pinaslang ng isa sa kanyang bisita ang isang 41-anyos na lalaki nang ba­rilin sa gitna ng kani­lang inuman kung saan nagdiri­wang ng kaara­wan ang anak ng biktima kamaka­lawa ng gabi sa Navotas City.

Agad na nasawi sanhi ng tama ng bala sa ulo at dibdib ang biktimang si Elizer Orozeo, ng Chong­kang st., Tanza, ng natu­rang lungsod.

Nadakip ng mga ru­mespondeng pulis ang suspek na si Billy De Guz­man, 35, at kalugar ng biktima.

Inulat ng pulisya na naganap ang barilan da­kong alas-11:40 ng gabi sa tapat ng bahay ng bik­tima sa Chongkang St.

Nauna rito, kinum­bida ng biktima ang suspek sa isang inuman dahil ka­arawan ng kan­yang anak na panganay. Nang mag­kalasingan ay naglabas ng baril si De Guzman at nagpaputok sa ere na sinaway ng biktima.

Dahil dito, inihatid ng biktima ang suspek upang umuwi na lamang dahil sa lasing na subalit napikon ang suspek at walang salitang pinutu­kan si Orozeo. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BILLY DE GUZ

CHONG

CHONGKANG ST.

DAHIL

DANILO GARCIA

DE GUZMAN

ELIZER OROZEO

INULAT

NAVOTAS CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with