^

Alahero niratrat, patay

() - October 4, 2009 - 12:00am

MANILA, Philippines - Binaril at napatay ng dalawang hindi nakikilalang lalaking lulan ng motorsiklo ang isang alahero at saka tinangay ang hindi pa mabatid na halaga ng pera at alahas nito kamakalawa ng hapon sa Sta. Cruz, Maynila.

Hindi na umabot ng buhay sa Metropolitan Hospital sanhi ng tama ng bala ng baril sa katawan ang biktimang si Crisanto Cay, 36, ng Molave St., Tondo ng nasabing lungsod.

Patuloy namang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan sa mga suspek na magka­angkas sa isang scooter na kapwa armado ng baril na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

Base sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon ng naganap ang insidente sa harapan ng D’Sisters Bigasan Store sa 1472 Alvarez St., Sta. Cruz, Manila.

Pauwi na ang biktima sakay ng kanyang scooter, na Dink 150 (OO 6003) subalit pag­sapit sa nasabing lugar ay bigla siyang hina­rang ng mga suspek at walang sabi-sabing pina­ulanan ng bala sa katawan.

Nang bumagsak ang biktima, kaagad kinuha ng mga suspek ang cash, alahas at personal na baril ng biktima na Taurus cal. 45 pistol saka tumakas gamit ang kanilang motorsiklo. (Gemma Amargo-Garcia)

ALVAREZ ST. BINARIL CRISANTO CAY CRUZ GEMMA AMARGO-GARCIA MAYNILA METROPOLITAN HOSPITAL MOLAVE ST. NANG SISTERS BIGASAN STORE
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with