^

Metro

Jeepney driver tinarakan ni kumpare

-

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang jeepney driver makaraang tarakan ng balisong ng kanyang kumpare na naghihinala na may relasyon ito sa kanyang misis, kama­ka­lawa ng hapon sa Las Piñas City.

Nakilala ang nasawi na si Canoto Alvez, 37, ng Talong St., Brgy. Pulanglupa Uno, ng natu­rang lungsod. 

Agad namang nadakip ang suspek na si Norberto dela Cruz, 44, nangungupahan sa isang bahay sa Pelayo Com­pound, Talon III, sa naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen dakong ala-1:40 ng hapon sa loob ng pinapasada nitong jeep sa may tapat ng Ever Supermarket sa Ala­bang-Zapote Road, Pelayo Talon III, sa naturang lungsod.

Nabatid na sumakay ang suspek sa naturang jeep at pu­muwesto sa likod ng biktima. Nang magbaba ng pasahero at naiwan na lamang mag-isa ang salarin, dito na sinaksak ng suspek si Alvez sa may dibdib   at saka mabilis na bumaba ng sasakyan.

Nasaksihan naman ang kri­men ng mga residente sa natu­rang lugar na agad na humingi ng tulong sa mga awtoridad na nagresulta sa pagkakadakip nito. Naisugod pa ang biktima sa Las Piñas City District Hos­pital at inilipat sa Philippine Ge­neral Hospital ngunit binawian din ng buhay dakong alas-3:30 ng hapon.

Sa komprontasyon sa loob ng Las Piñas police station, inamin ni Dela Cruz na siya nga ang sumaksak sa biktima dahil sa matinding pagseselos at hi­nala na may relasyon ito sa kan­yang misis. (Danilo Garcia)

vuukle comment

CANOTO ALVEZ

CITY DISTRICT HOS

DANILO GARCIA

DELA CRUZ

EVER SUPERMARKET

LAS PI

PELAYO COM

PELAYO TALON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with