^

Metro

2 miyembro ng 'Budol budol', arestado

-

MANILA, Philippines - Hindi pa man nakalalayo ang dalawang babaeng miyem­­bro ng “Budol-budol gang” ha­bang bitbit ang mga alahas na tinangay sa isang alahera, na­buking na ang boodle money na kanilang ibinayad sa kinu­hang alahas, sa Sta. Cruz, May­nila, kamakalawa ng ha­pon kung kaya agad silang na­aresto.

Nakapiit na sa Manila Police District-Station 3 ang mga sus­pek na sina Merlinda Long­tud, 51; at Estrelita Suarez 41, kapwa residente ng Daang Bakal, Upper Bicutan, Taguig City matapos pormal na ipag­harap ng reklamo ng negos­yanteng si Myra Lim, 38, ng Navotas City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3 ng hapon nang bitbitin sa presinto ang mga suspek nang maabutan sa panulukan ng T. Alonzo st., at Rizal Ave., Sta. Cruz, Maynila.

Sa salaysay ni Lim, hinimok umano siya ng dalawang sus­pek na mangutang ng pera sa kanila dahil nagbibigay umano sila ng 5’6’’ at ipinakita ng mga bungkos na pera.

Nang magpasiya umano ang mga suspek na iiwan muna ang nasabing pera sa biktima, nakumbinse umano ang biktima na ipadala ang iba’t ibang klase ng mga alahas na umabot sa halagang P50,000.

Papalayo na umano ang dalawang suspek nang muling suriin ng biktima ang pera upang bilangin subalit natukla­sang pawang ginupit na papel at diyaryo lamang pala kaya agad na ipinahabol ito sa kan­yang mga tauhan.

Nadakip ang 2 babae at na­bawi rin ang 6 na pirasong gin­tong singsing, kwintas at mga cellphone. (Ludy Bermudo)

CRUZ

DAANG BAKAL

ESTRELITA SUAREZ

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MERLINDA LONG

MYRA LIM

NAVOTAS CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with