^

Metro

Riding-in-tandem todas sa shootout

-

MANILA, Philippines – Dalawang miyembro ng kilabot na “riding- in-tandem gang” ang nasawi matapos maki­pagpalitan ng putok ng baril sa mga awtoridad ilang minuto makaraang tangkain ng mga una na holdapin ang isang drug store sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang isa sa nasawing suspek sa pamamagitan ng identification card (IDs) na na­kuha sa kanyang bulsa na si Roland Sapillan, 37; habang inaalam pa ang pagkakakilanlan sa isa pang nasawing kasamahan nito.

Ayon sa ulat, ang mga suspek ay naka-en­ku­­wentro ng tropa ng District Mobile Force ng Quezon City Police (DPIU-QCPD), makaraang maispatan ang mga itong papatakas buhat sa bibiktimahing drug store sa may Balintawak ganap na alas-3:30 ng madaling-araw.

Bago ang insidente, tinangka ng mga sus­pek na holdapin ang naturang drug store maka­raang pasukin nila ito at tutukan ng baril ang security guard na si Segundo Ugale.

Ayon kay Ugale, dahil nag-iisa lang ang suspek na tumutok sa kanya, habang ang isa ay naiwan sa labas at nagsilbing look-out, tinangka niyang agawan ito ng baril na nag­resulta sa pagpapambuno nilang dalawa.

Sinasabing nasa kainitan ng pagpa­pambuno ang security guard at suspek nang biglang pumasok ang kasamahan ng huli at binalaan ito sa pagsasabing “Tol may pulis, labas na,” sanhi upang mapuwersang umalis ang mga ito.

Ngunit bago tuluyang tumakas, binaril pa ng isa sa suspek si Ugale, na masuwerte namang hindi tinamaan.

Habang papatakas ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo (NR-4432) ay namataan ang mga ito ng nagpapatrulyang mobile force sa lugar habang nasa maling direksyon ng kalsada o naka-counter flow.Tinangka ng mga awtoridad na pahintuin ang mga ito na dito na nagsimula ang habulan at pagpapalitan ng putok na nagresulta sa pagkamatay ng dala­wang suspect. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

AYON

BALINTAWAK

DISTRICT MOBILE FORCE

QUEZON CITY POLICE

RICKY TULIPAT

ROLAND SAPILLAN

SEGUNDO UGALE

SHY

UGALE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with