^

Metro

Mister napatay sa mismong birthday

-

MANILA, Philippines - Isang malagim na pag­bati ang ibinigay na regalo sa isang mister ng isa sa dalawang lalaki matapos na siya ay pagtatagain at mapatay sa mismong kan­yang kaarawan dahil sa alitan sa trapik sa lungsod ng Quezon kamakalawa.

Dead-on-the-spot sa pinangyarihan ng krimen ang biktimang si Joeboy Baluyot, 32, may-asawa, caretaker ng Brgy. Payatas sa lungsod.

Natukoy naman ang isa sa mga suspek na si Rolando Brillantes, alyas Bugoy na mabilis na naka­takas matapos ang in­sidente.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa may ka­habaan ng Maligaya St., corner Litex Road, sa na­turang barangay ganap na alas-8 ng gabi.

Bago nito, nagse-cele­b­rate umano ang biktima ng kanyang ika-32 kaara­wan kung saan nagkaroon ng inuman sa kanilang tahanan.

Ilang oras ang lumipas, isang kaibigan nito na si Jeffrey Penas ang nag­pasyang umuwi kung saan sinamahan ito ng biktima dahil nangako ang una na magbibigay ito ng pera pambili ng alak.

Sakay ng isang motor­siklo ang biktima kasama si Penas at tinatahak ang lugar nang biglang sumul­pot ang isang tricycle na sina­sakyan ng suspek at humarang sa daraanan ng mga una. Dahil dito, nag­ka­roon ng mainitang kom­prontasyon ang biktima at suspek hanggang sa mag­tungo sa tricycle ang huli at kinuha ang isang pa­talim saka binalikan ang una.

Nang makita ito ni Pe­nas, tinangka nitong awa­tin si Brillantes, ngunit binale­wala ito ng huli at pinagtataga ang biktima sa katawan. Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang mga suspek. (Ricky Tulipat)


vuukle comment

AYON

BRGY

BRILLANTES

JEFFREY PENAS

JOEBOY BALUYOT

LITEX ROAD

MALIGAYA ST.

RICKY TULIPAT

ROLANDO BRILLANTES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with