^

Metro

Kustomer nawalan ng buhok: Ricky Reyes salon pinagbayad ng danyos

- Edu Punay -

MANILA, Philippines - Inatasan kamakailan ng Court of Appeals ang kilalang beauty expert na si Ricky Reyes at isa niyang empleyado na bayaran ng P120,000 dan­yos pinsala ang isa nilang kustomer na na­walan ng buhok sa gi­nawa nila ritong hair relaxing session sa biktima.

Binaligtad ng 13th division ng CA ang de­sisyon noong Oktubre 18, 2007 ng Marikina City Regional Trial Court na nagdismis sa de­manda ng biktimang si Maria Lourdes Hernandez laban kina Reyes at em­pleyado nitong si Jane Lopez.

Sinasabi ni Hernan­dez sa kanyang reklamo na, makaraang mabig­yan siya ni Lopez ng hair relaxing service sa isang Ricky Reyes Salon na nasa isang shopping mall sa Mandalu­yong, naka­ram­dam siya ng init sa anit ng kanyang ulo na para itong nasusunog.

Sinabi ni Hernandez na, kahit nagreklamo na siya, naglagay pa rin si Lopez sa kanyang buhok ng pangalawang bote ng hair relaxing formula.

Dahil dito, sinabi ni Hernandez na nawalan siya ng mga buhok at ang mga natitira ay nagka­sabit-sabit o putol-putol na o ang tinatawag na hair breakage.

vuukle comment

BINALIGTAD

COURT OF APPEALS

DAHIL

HERNANDEZ

JANE LOPEZ

LOPEZ

MARIA LOURDES HERNANDEZ

MARIKINA CITY REGIONAL TRIAL COURT

RICKY REYES

RICKY REYES SALON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with