^

Metro

Ex-singer, 2 apo, biniktima ng Gapos Gang

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Pinasok at nilooban ng kilabot na “Gapos Gang” ang bahay ng konsehal at dating actor at singer na si Darius Razon na kasa­mang iginapos ng mga suspek kahapon ng umaga sa Mandaluyong City.

Sa kabila nito, nagpa­pasalamat pa rin si Razon (Darius Apacionado sa totoong buhay), 56-anyos, dahil buhay pa siya at mga kasambahay nang du­mulog kahapon sa Man­daluyong City Police.

Ayon kay Razon, gi­nising pa siya sa pag­kakatulog sa loob ng kanyang kuwarto kasama ang dalawang apo ng mga suspek na armado ng mga patalim.

Dito puwersahang tina­nong si Apacionado kung nasaan ang kanyang pera na itinuro naman niya ang kinalalagyan.

Umaabot sa P500,000 cash ang tinangay ng mga magnanakaw ngunit ma­ging ang kanyang cell­phone ay tinangay rin ng mga suspek.

Sa kabila nito, iginapos pa ng mga salarin si Apa­cionado at ang kanyang da­lawang apo na may edad na anim at pitong ta­ong gulang at saka ikinu­long sa loob ng banyo bago nag­sitakas.

Nagawa lamang ma­saklolohan ng mga ka­pitbahay ang pamilya ng konsehal nang magsisigaw ang katulong na si Erlinda Caamic, 57-anyos, na gi­napos rin ng mga salarin.

Sinabi ni Apacionado na mahigit sa tatlong mag­nanakaw ang nanloob sa kanyang bahay. Ilan sa kanila ay menor-de-edad at pinamumunuan ng isang may edad na.

Posible umanong mga ka­kilala rin ni Apacionado ang mga suspek at nabatid na may malaki siyang pera sa loob ng bahay.

vuukle comment

APACIONADO

CITY POLICE

DARIUS APACIONADO

DARIUS RAZON

ERLINDA CAAMIC

GAPOS GANG

MANDALUYONG CITY

RAZON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with