^

Metro

Taxi driver todas sa 5 holdaper

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines – Pinatay sa saksak ang isang taxi driver ma­tapos ito manlaban mula sa limang holdaper ka­bilang ang dalawang bakla at isang babae kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Namatay noon din sanhi ng mga saksak sa katawan si Jimmy Menor Jr., 40, ng Pag-asa, Que­zon City at driver ng Dary-Lus (TVJ-562).

Agad namang nada­kip sina Erwin Agustin, 20, at ang baklang si Henry Silawan, 24.

Pinaghahanap pa ng pulisya ang mga kasa­ma­han ng mga ito na sina Arnel Maruga; baklang si Rolly Tolentino at Joan Mendoza na mga taga-Kamuning, Quezon City.

Batay sa ulat ng pu­lisya, naganap ang insi­dente dakong alas-11 ng gabi nang sumakay sa taxi ng biktima ang mga suspect at pagsapit sa 3rd St., 11th Avenue  ay nagdeklara ng holdap.

Nanlaban ang biktima na naging dahilan upang pagsasakin ito at saka kinuha ang P2,500 kinita sa pamamasada.                                                       

Agad na tumakas ang mga suspect kung saan sumakay sa tricycle ni Lienel Lumanog ang dalawang nadakip at nagpahatid sa Barrio San Jose at sa pagbabayad ay napansin ng driver ang dugo sa kamay ng mga ito kung kaya agad na isinuplong sa pulisya at nadakip.


vuukle comment

ARNEL MARUGA

BARRIO SAN JOSE

CALOOCAN CITY

ERWIN AGUSTIN

HENRY SILAWAN

JIMMY MENOR JR.

JOAN MENDOZA

LIENEL LUMANOG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with