^

Metro

Bading binigti

-

MANILA, Philippines - Isang bakla na malimit umanong mang-akit ng mga obrero ang hininalang binigti hanggang mapatay sa Parañaque.

Natagpuan sa isang imburnal sa Barangay San Dionisio sa naturang lun­sod ang bangkay ng bik­tima na hindi pa maba­tid ang pangalan.

May nakapulupot na nylon cord sa leeg na palatandaang binigti ang biktimang, tinatayang nasa pagitan ng 30-35 taong gulang ang edad nito, basag din ang kanyang bungo na isang palatan­daang hinataw ng matigas na bagay ang kanyang ulo.

Naglilinis umano ng kanal ang guwardiya ng isang Ambel Compound na si Ramil Tunga nang ma­ pansin ang nakasu­basob na bangkay ng lalaking nakasuot ng asul na t-shirt at pula’t asul na short pants sa imburnal malapit sa C-5 at Sucat Road sa Barangay San Dionisio.

Kaagad namang na­muk­haan ng ilang mga kalalakihan ang biktima na umano’y nakikita nilang pagala-gala at nang-aakit ng mga construction worker sa kinukumpuning kalsada sa kahabaan ng C-5 Road.

Napagalaman sa pag­si­siyasat na kamakalawa lamang ng gabi ay nakita ng ilang mga construction worker ang biktima na may kasamang lalaki na posib­leng naging customer nito.

May hinala naman ang pulisya na posibleng nag­ka­roon ng onsehan sa pakikipagkasundo ang biktima sa kanyang pina­kahuling kustomer kaya pinatay ito.

Ibinatay ng pulisya ang teorya sa kawalan ng anumang alahas, ID, personal na gamit at wallet man lamang ng biktima na posibleng tinangay din ng suspect. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AMBEL COMPOUND

BARANGAY SAN DIONISIO

IBINATAY

ISANG

KAAGAD

LORDETH BONILLA

NAGLILINIS

RAMIL TUNGA

SHY

SUCAT ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with