^

Metro

Binata tinodas matapos makipaglibing

-

MANILA, Philippines – Isang binata na nakipag­libing sa yumao niyang kaibigan ang susunod ding ihatid sa huling hantungan matapos na barilin ng hindi pa nakikilalang lalaki sa Caloocan City, kama­kalawa.

Namatay noon din sanhi ng tama ng bala ng baril sa batok ang biktimang si Edgar Lope­naria, 39, ng Panday Pira, Ba­gong Barrio ng lungsod na ito.

Inilarawan lamang ang sus­pek na nakasuot ng puting t-shirt at may suot na helmet.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Joel Montebon, alas-2:30 ng hapon, nakipaglibing ang bik­tima sa kanyang kaibigan at habang naglalakad papauwi sa Zapote St., Bagong Barrio ay sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing binaril ang biktima.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek kung saan inaalam na ng mga pulis ang motibo sa nasabing insidente. (Lordeth Bonilla)


vuukle comment

BAGONG BARRIO

CALOOCAN CITY

EDGAR LOPE

INILARAWAN

ISANG

JOEL MONTEBON

LORDETH BONILLA

MATAPOS

PANDAY PIRA

ZAPOTE ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with