Hayden Kho kinasuhan na sa DOJ
MANILA, Philippines - Sinampahan na kahapon sa Department of Justice (DOJ) ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kontrobersyal na doktor na si Hyden Kho matapos na ireklamo ng aktres na si Katrina Halili.
Kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-violence Against Women and Children Act ang ikinaso ng NBI Anti-Fraud and Computer Crimes Division (AFCCD).
Base sa record ng NBI naganap ang insidente noong Setyembre 2007 sa isang hotel sa Ortigas, Center, Pasig City kung saan umano kinuhanan ng video ni Kho si Halili ng hindi nito alam habang nagsasayaw ng nakasuot na two piece lang.
Hanggang sa kumalat ang nasabing video sa internet kabilang din dito ang kanilang pagtatalik.
Dahil umano dito kayat nagdulot ito ng epekto psychologically, economically at emotionally kay Halili at nagdulot din ng kawalan ng TV projects at product endorsements at nanatili na lamang ito sa bahay. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending














