^

Metro

Kano biktima ng 'Ativan Gang'

-

MANILA, Philippines - Isang American national ang nabiktima ng mga hinihinalang miyembro ng kilabot na “Ativan Gang” kung saan nakuha mula dito ang mga credit cards kamakalawa ng hapon sa Malate Maynila.

Personal na dumulog sa Manila Police District (MPD)-General Assignment Section (GAS) ang biktimang si William Nicholas Meyer, 23, pansamantalang nanunuluyan sa Pension Natividad, Malate, Maynila upang ireklamo ang suspek na nakilala lamang nito sa alyas na “Alberto”.

Sa reklamo ng biktima, dakong alas-4 ng hapon nang ma­ganap ang insidente sa loob ng bar and restaurant ng   pension house na tinutuluyan ng biktima. Mag-isa lamang umanong umiinom ng alak ang biktima nang bigla na lamang lumapit sa kanya ang suspek at makipag- kaibigan.

Kaagad namang nagtiwala ang biktima sa suspek dahil sa tamis ng mga salita nito at nagkayayaan ang mga ito na mag-inuman. Ilang minuto lamang ang lumipas ay nakaramdam umano ng pagkahilo ang biktima at bigla na lamang umano siyang naka­tulog. Pagkagising ng biktima ay wala na ang suspek sa kanyang harapan kaya’t tumuloy na siya sa kanyang kwarto ngunit nang pagkakita umano nito sa kanyang wallet ay wala na ang kanyang tatlong magkakaibang credit cards. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

ALBERTO

ATIVAN GANG

BIKTIMA

GEMMA AMARGO-GARCIA

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

ISANG AMERICAN

MALATE MAYNILA

MANILA POLICE DISTRICT

PENSION NATIVIDAD

WILLIAM NICHOLAS MEYER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with