^

Metro

Kilabot na holdaper, timbog

-

MANILA, Philippines - Nasakote ng mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bu­reau (MTPB) ang isang kilabot na holdaper kamaka­lawa ng hapon sa kahabaan ng   Ca­pulong St. sa Tondo Maynila.

Nakapiit ngayon sa   Manila City Hall-District Special Project Unit ang suspect na nakilalang si Kenneth dela Cruz, 21, miyem­bro ng Batang City Jail at naninirahan sa Bldg. 8 Unit 39 Temporary Housing, Vitas, Tondo, Maynila matapos na po­ sitibong ituro ng biktimang si Mercilito Apat, 29, accounting clerk ng Solid Shipping Lines.

Batay sa report, dakong alas-6 ng hapon nang mapansin ng mga traffic enforcer na sina Fer­dinand Borja, Romeo Calida, Ernesto Sebusa at Ricardo Gerbon ang komosyon sa Ba­rangay 105.

Lumapit sa mga traffic enforcer si Apat at humingi ng tulong dahil sa panghoholdap sa kanya ng suspect.

Agad na hinabol ng mga traffic enforcer ang suspect hang­gang sa ma­kuyog ito sa Building 7 ng na­sabing tempo­rary housing.

Nakuha sa suspect ang isang Nokia cellphone na pag­ma­may-ari ng biktima at isang patalim na gamit ng una sa panghoholdap. (Doris Franche)

vuukle comment

BATANG CITY JAIL

DORIS FRANCHE

ERNESTO SEBUSA

MANILA CITY HALL-DISTRICT SPECIAL

MANILA TRAFFIC AND PARKING

MERCILITO APAT

PROJECT UNIT

RICARDO GERBON

ROMEO CALIDA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with