^

Metro

Bebot pinaslang sa motel

-

MANILA, Philippines - Pinatay sa sakal ang isang babae ng ka-check-in nitong lalaki makaraang matagpuan ang una na wala nang buhay sa loob ng isang motel, kamaka­lawa ng hapon sa Pasay City.

Batay sa ulat, ang bang­kay ng hindi pa naki­kilalang biktima ay tina­tayang nasa pagitan ng 32-35 anyos, may taas na 5’1”-5’2” talam­pakan, ma­taba, mahaba ang buhok, at maputi ang kutis. Na­tag­puan ito dakong alas-2 ng hapon sa loob ng room 304 ng Sofel Motel na nasa 670 Unit 1&2, Jolliland, Com­merical Center, EDSA, nabanggit na lungsod.

Nabatid na ang room boy na si Rosendo Pabon, 20, residente ng 5199 Agri­fina St., Tambo, Paraña­que City ang naka-dis­kubre sa naturang krimen.

Ayon sa salaysay ni Pabon sa pulisya, ang biktima at kasama nitong hindi pa nakiki­lalang lalaki ay unang nag-check-in sa natu­rang motel dakong ala-1:50 ng madaling-araw noong Miyerkules kung saan inihatid pa umano ng una ang mga ito sa kani­lang uukupahang kwarto.

Kamakalawa dahil tapos na ang itinakdang oras sa dalawa, inutu­san si Pabon ni Liza Riquez, cashier ng motel para abi­suhan ang dalawa sa ka­nilang oras at dapat ng mag-check-out ang mga ito.

Kinatok ng kinatok naman umano ni Pabon ang silid subalit walang sumasagot kung kaya’t napilitan siyang buksan ang pintuan gamit ang master key ng silid.

Nang mabuksan ang pintuan, bumulaga na lamang sa paningin ng room boy ang biktima na naka-tihayang naka­higa sa kama, nakapa­tong ang dalawang unan sa kata­wan nito at may marka ng sugat at bakat ng sakal sa leeg.

Ayon naman sa mga motel staff, hindi umano nila napansin na luma­bas ng silid ang kasa­mang lalaki ng biktima na hini­hinalang nakata­lilis ito nang makakuha ng pagka­kataon ha­ bang abala ang mga room boy at mga hotel staff.

Sa kasalukuyan nag­sa­sa­gawa na ng mala­lim na imbestigasyon ang awto­ridad kasabay ng panga­ngalap ng ebi­den­sya para matukoy ang pagkakakilanlan ng suspect pati ang motibo nito ng pamamaslang sa bik­tima. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

AGRI

AYON

BATAY

LIZA RIQUEZ

PABON

PASAY CITY

ROSE TAMAYO-TESORO

ROSENDO PABON

SHY

SOFEL MOTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with