^

Metro

Nagkasala sa nobya: Lover naglason

-

Upang patunayang seryoso sa paghingi ng tawad sa nobya, nagpa­kamatay sa pamamagi­tan ng pag-inom ng silver cleaner ang isang 18- anyos na binata matapos na magpadala ng text message, kahapon ng umaga sa Tondo, May­nila.

“Sana mapatawad mo ako sa nagawa kong kasalanan sa iyo, eto lang ang alam kong pa­raan para mapatawad mo ako,” ayon sa text message sa cellphone ng biktima na ipinadala sa isang “Nina” na nobya umano ng biktima.

Kinilala ang biktimang si Christian Peyra, wa­lang trabaho, ng #276 San Roque st., Barrio Magsaysay, Tondo.

Dakong alas-8 ng umaga nang madiskubre ng isang Josh Capili, bar­kada ng biktima, ang bangkay nito na bumu­bula ang bibig at wala nang buhay sa 2nd floor ng isang bahay sa #154 San Roque St..

Bago ang insidente, alas-2 ng madaling-araw nang magkakasamang ku­main ang biktima, si Capili at iba pang bar­kada sa isang Tapsilogan.

Habang kumakain ay nagkwento ang biktima hinggil sa pakiki­pag­ kalas ng nobya nito dahil sa nagawa niyang kasalanan.

Inakala ng mga bar­kada na ang paglalabas niya ng botelya ng silver cleaner na kanyang iinu­min ay isang pagbibiro lamang hanggang sa magpasya silang ma­tulog na magkaka­sama sa tambayan.

Kinabukasan, alas-8 ng umaga nang matukla­sang patay na ang bik­tima.  (Ludy Bermudo)

vuukle comment

BARRIO MAGSAYSAY

CAPILI

CHRISTIAN PEYRA

DAKONG

HABANG

JOSH CAPILI

LUDY BERMUDO

SAN ROQUE

SAN ROQUE ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with