^

Metro

Lola dedo sa truck

-

Basag ang bungo ng isang 65-anyos na lola na dahilan ng agaran nitong kamatayan makaraang ma­hagip ng isang truck habang papatawid sa kal­sada sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.

Dead-on-the-spot ang bik­timang si Corazon Sal­vador, ng Building 8, Tem­porary Housing Unit, Tondo.

Agad rin umanong ­su­­muko ang suspect na drayber ng truck na may plakang RBG-163 na kini­lalang si Feliciano Sillave, 41, ng Pier 2 PR Malonzo com­pound, Tondo.

Nabatid na naganap ang trahedya, dakong alas- 10:45 ng umaga sa panu­lukan ng Road 10 at Ca­pulong st., Tondo. Papata­wid pa lamang umano ang biktima nang bigla uma­nong mag-‘green light’ o mag-go ang signal light kaya umabante na si Sillave at hindi na umano niya nakita na nakaumang na ang katawan ng biktima para habulin ang pag­tawid.

Sinabi pa ng pulisya na matapos suriin ang bang­ kay ng biktima ay putok ang bungo nito ma­tapos magu­lungan ng truck. Isinampa ang ka­song reckless im­prudence resulting in homi­cide laban sa nasabing driver. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

BASAG

CORAZON SAL

FELICIANO SILLAVE

HOUSING UNIT

ISINAMPA

LUDY BERMUDO

MALONZO

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with