^

Metro

Maglilibre na, sinaksak pa

-

Sugatan ang isang 26-anyos na lalaki ma­tapos siyang undayan ng saksak ng umano’y kan­yang kababayan na nainsulto makaraang akuin ng una ang bayarin ng huli sa nainom nito sa isang videoke bar sa Tondo, Maynila kama­kalawa ng gabi.

Kasalukuyang ginagamot sa Mary Johns­ton Hospital ang biktimang si Miguel Olaybar, ng Gate 54, Parola Compound, Binondo, Maynila. Ang suspect na hindi pa nakikilala ay inilarawan sa gulang na 26-27 anyos, may taas na 5’4’’, ­ang pangangata­wan, mahaba ang buhok ay mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10 ng gabi nang maganap ang krimen sa harapan ng Marina Videoke Bar sa Juan Luna malapit sa Rajah Matanda, Tondo.

Nabatid na habang nakikipag-inuman ang biktima sa pinsan nito ay nakita ang pagtatalo ng suspect at kahera sa babayaran. Nakialam umano ang biktima at sinabihan ang cashier na siya na lamang ang magbabayad ng kaku­la­ngan, tutal ay kababayan niya naman ang suspect.

Hindi naman pumayag ang suspect na ilbre siya na tila nainsulto pa kaya umuwi na lamang ang biktima at pinsan nito.

Nang papauwi na ay naisipan pang bumalik sa videoke ng biktima nang makasalubong ang suspect at doon walang sabi-sabing inundayan ng saksak ng huli ang una. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

BINONDO

JUAN LUNA

LUDY BERMUDO

MARINA VIDEOKE BAR

MARY JOHNS

MAYNILA

MIGUEL OLAYBAR

PAROLA COMPOUND

RAJAH MATANDA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with